NEW YORK (AFP, Reuters) – Nanganganib si President Donald Trump sa akusasyon ng pakikipagsabawatan para sa campaign fraud at dalawa sa kanyang pinakamalapit na katiwala ang nahaharap sa pagkakulong, matapos ang court proceedings na naghatid ng legal at political one-two punch sa kanyang embattled presidency.

Sa drama na sabay na nangyari sa magkakahiwalay na lungsod sa United States, napatunayan ng mga korte na nagkasala ang aides sa tig-walong asunto, bunga ng federal investigation sa 2016 presidential election.

Sa New York, umamin ang longtime attack-dog fixer ni Trump na si Michael Cohen sa eight counts, kabilang ang pagsagawa ng illegal campaign contributions.

Idinetalye ni Cohen ang pagbigay niya ng pera kapalit ng pananahimik ng porn star na si Stormy Daniels at Playboy model na si Karen McDougal bago ang eleksiyon. Kapwa sinasabing nakarelasyon ni Trump.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ngunit sa sensational twist, itinuro rin ni Cohen ang president -- ang ‘’individual 1’’ bilang co-conspirator -- sinabing kumilos siya ‘’in coordination and at the direction of a candidate for federal office.’’

‘’I participated in this conduct with the purpose of influencing the election,’’ sinabi ni Cohen sa judge, garalgal ang boses nang magsalita sa courtroom.

Sa pag-amin niyang ito ay nalalagay si Trump sa legal jeopardy at tumaas din ang posibilidad na ang trusted lieutenant ay handang magbunyag ng mga lihim kapalit ng pinababang sentensiya.

Tumanggi ang White House na magkomento sa mga alegayson ni Cohen, mariing sinabi ni spokeswoman Sarah Sanders sa reporters na: ‘’Refer you to the president’s outside counsel.’’

Habang nangyayari ang drama ni Cohen sa New York, napatunayan naman ng isang jury sa Virginia na ang one-time campaign chairman ni Trump na Paul Manafort ay nagkasala sa eight counts, kabilang ang bank fraud, tax fraud at failure to declare foreign bank accounts.

Ang guilty verdict ni Manafort ay nagbigay ng tagumpay kay Special Counsel Robert Mueller sa unang paglilitis kaugnay sa imbestigasyon ng papel ng Russia sa 2016 U.S. election.

Nagpahayag ng kalungkutan si Trump, tinawag si Manafort na ‘’a good man.’’

‘’I feel very sad about that,’’ ani Trump sa reporters sa pagdating niya sa West Virginia para sa isang rally, sinabi na ang conviction ay bahagi ng ‘’witch hunt’’ matapos ang 2016 election.

Dumistansiya rin si Trump kay Manafort – malaki ang papael para makuha ng 72-anyos ang 2016 Republican nomination.

‘’He worked for many, many people,’’ ani Trump, binanggit ang mga kampanya para kina dating president Ronald Reagan at vice presidential candidate Bob Dole.