NAKATAKDANG simulan sa susunod na taon ang konstruksiyon para sa “total transformation” ng Philippine National Railways (PNR) mula Manila patungong Legazpi, ayon sa PNR.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni PNR General Manager Junn Magno na hindi lamang isang rehabilitasyon o modernisasyon ang proyekto, bagkus ito ay isang transpormasyon gamit ang P 175.32 bilyong pondo.

“The transformation program is under the ‘Build, Build, Build’ program of the Duterte’s administration and is expected to finish within span of seven years, nowadays the government is under the process of hiring consultants for the project called ‘South Long haul,’” paliwanag niya.

Aminado naman si Magno na maraming informal settlers ang maaapektuhan ng proyekto dahil dalawang PNR track ang itatayo upang magkaroon ng two-way route mula Manila patungong Legazpi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nakasalalay naman umano sa kamay ng National Housing Authority, lalo na sa bahagi ng Bicol, ang problema sa paglilipat ng daan-daang maaapektuhang informal settlers.

“All the old railway and travesa will be totally removed and replaced with new one to match with the new PNR coaches. The new PNR coaches will run at the speed of 120 km per hour and the travel time from Legazpi City to Manila will be only six hours.” dagdag ni Magno.

Sa ilalim ng proyekto, ang riles ng PNR ay papalibutan ng bakod tulad ng sa MRT.

Para naman sa mga intersection at tatawirang kalsada, itataas ang riles na tulad ng skyway.

PNA