Itinuturing ng Malacañang na nasayang na pagkakataon para sa “Left” ang pagbibitiw ni Liza Maza bilang hepe ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Ito ang naging reaksyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipahayag ni Maza na naghain na ito ng kanyang

irrevocable resignation, kahapon.

Sinabi ni Roque na nalulungkot ang Palasyo sa naging desisyon ni Maza na bumitaw na sa pamahalaan dahil nakuha na nito ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We express our regret with her decision to leave government.

She had the trust and confidence of the President and she resigned. We always regret when people who enjoy the trust and confidence of the President leave their post,” ani Roque.

Paglalarawan ni Roque, isa na sanang “perfect opportunity” para sa mga komunista na maipakita sa publiko na kaya nila mamuno sa pamahalaan.

“The President gave them that opportunity and she decided to leave. Wala namang nagpapaalis sa kanya. It would have been a perfect opportunity for the left to show that they can lead, and of course, the National Anti-Poverty Commission is a very important office in government,” panghihinayang nito.

Ginawa ni Maza ang pagre-resign sa puwesto ilang linggo matapos iutos ng korte sa Nueva Ecija na arestuhin ito, kasama ang tatlong dating mga militanteng kongresista.

Gayunman, ibinasura ng korte ang kinakaharap nilang kaso at binawi na rin ang kanilang warrant of arrest.

Isa sa inirason ni Maza sa kanyang pagbibitiw ay ang pagkansela ng pamahalaan sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng

Communist Party of the Philippines- New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Roque, hindi nito maintindihan kung bakit iniuugnay ni Maza sa kanyang trabaho sa pamahalaan, ang isyu sa usapang pangkapayaan.

“And in her letter, she says that the decision was prompted by the recent developments leading to the cancellation of the peace talks. I don’t know really why she had to connect the peace talks with her work in the National Anti-Poverty Commission,” ani Roque.

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na pinaninindigan pa rin ng Pangulo ang mga inilatag nitong kondisyon bago muling buksan ang peace talks.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia