Nag-ambag ng ikatlong bronze medal para sa Pilipinas si Agatha Wong matapos itong magwagi sa wushu event, para sa kampanya ng bansa sa 2018 Asian Games, kahapon ng umaga sa JI Expo sa Jakarta, Indonesia.

Agatha Wong

Agatha Wong

Sa kanyang unang pagsabak sa Asiad, nakuha ni Wong ang bronze medal sa taijiquan at taijijian all-around event, na nagdagdag sa dalawang bronze medals na unang nakuha ng bansa sa Taekwondo buhat sa men’s at women’s poomsae event.

Hindi inakala ng 20-anyos na si Wong na makakasilat siya ng bronze medal gayung nakatabla ang score niya sa taijiquan event na nagawa naman niyang malusutan kahapon ng umaga. upang kunin ang bronze sa iskor na 19.36.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakalaban ni Wong ang Indonesian player na si Lindswell na nagwagi ng gold habang silver naman ang naiuwi ng pambato ng Hong Kong na si Juanita Mok.

Dahil dito, tiwala ang buong delegasyon ng Pilipinas na mas marami pang medalya ang maiuuwi ng mga atleta natin sa kanilang pagsabak sa nasabing quadrennial meet.

-ANNIE ABAD