Hindi na kailangan ng pruweba o ebidensiya sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na hotbed o pinagmumulan ng shabu ang Naga City.

Reaksiyon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos itanggi ng alkalde ng Naga City ang naging alegasyon ng Pangulo.

Aniya, hindi dapat naging ‘balat-sibuyas’ ang opisyal ng nasabing lungsod at sa halip ay magsisilbi sana itong hamon upang patunayan na “shabu-free” o walang droga sa kanilang luygar.

“He already has access to information. He said it, let it be,” pagdidiin ni Roque nang tanungin ito kung maglalabas ng ebidensiya ang pangulo sa kanyang alegasyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Kung sa tingin nila mali ang Presidente, hindi hotbed of shabu ang Naga, patunayan nila. Labanan nila iyong mga nagbebenta ng droga sa Naga at patunayan nilang hindi talaga hotbed of shabu, na shabu-free iyong kanilang mga bayan,” sabi nito.

Aminado si Roque na kung mali ang Pangulo kaugnay ng drug situation sa Naga ay handa itong humingi ng paumanhin.

“If he’s wrong, he will apologize. Until he does, he stands by it,” aniya.

Nauna nang tinukoy ni Duterte na pinagkukunan ng shabu ang Naga sa gitna ng pagbatikos nito sa kakayahan ng liderato ni Vice President Leni Robredo kung saan sinabi pa nito na hindi umano mahusay si Robredo upang palitan siya.

-Genalyn Kabiling