JAKARTA— Siniguro ng Philippine men’s and women’s taekwondo poomsae teams na hindi mabobokya sa medalya ang bansa sa 18th Asian Games.

PINAHANGA nina Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva ang crowd sa kanilang impresibong routine para makamit ang bronze medal sa team completion.

PINAHANGA nina Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva ang crowd sa kanilang impresibong routine para makamit ang bronze medal sa team completion.

Nakuha ang Pinoy ang bronze medals matapos magapi ng traditional powerhouses sa semifinal matches sa pagsisimula ng taekwondo competitions nitong Linggo sa Jakarta Convention Center (JCC) Assembly Hall.

Nakalusot ang men’s troika nina Dustin Jacob Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. nang gapiin ang Iran sa quarterfinals, 8.339 vs 8.100.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, kinapos sila laban sa Great Wall nang gapiin ng grupo nina Zhu Yuxiang, Hu Mingda at Deng Tingfeng, 7.830 - 8.180, sa semifinals.

Hindi rin kinasihan ng suwerte sina Juvenile Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva, laban kina Unifed Korea’s Gwak Yeowon, Choi Dongah, Park Jaeun, 7.110-8.020, sa semifinals.

“Hard luck. We lost in the semifinals, but we are very proud of the teams,” pahayag ni Philippine Taekwondo Association national head coach Igor Mella.

Sinimulan ng men’s team ang laban nang magwagi sa Saudi Arabia sa Round of 16, 8.180-7.640 bago nasiguro ang podium finihsh nang magwagi sa quarterfinal kontra Iranians.

Nagwagi naman ang women’s team sa host Indonesia sa quarterfinals, 8.070-8.040, matapos magwagi sa Hong Kong, China sa round of 16, 8.000-7.490.

Hindi naman sinuwerte ang Philippine bets sa individual poomsae nang masibak sina Reyes at Jocelyn Ninobla.

Natalo si Reyes kay Thailand’s Pongporn Suvittayarak, 8.08-8.32, sa quarterfinals matapos ang panalo kay Ruslan Manaspayev 8.08-7.08 sa round of 16. Naudlot naman si Ninobla sa round of 16 kontra Vietnam’s Tuyet Van Chau, 7.89-8.11.