ROME (Reuters) – Patay ang 10 katao sa katimugan ng Italy nitong Lunes nang tamaan sila ng mga bato na dala ng rumaragasang white-water creek sa kalaliman ng bangin sa bundok na biglang umapaw matapos ang malakas na ulan, sinabi ng mga opisyal.
Ayon sa civil protection department, 18 katao ang nasagip at anim ang nasugatan sa biglaang pagragasa ng tubig sa Calabria region.
Hindi pa malinaw kung ilang katao ang nawawala dahil hindi lahat ay pumasok sa bangin kasama ang official guides at nakarehistro. Patuloy ang paghahanap sa lugar.
Hindi pa mabatid ang nationalities ng mga namatay at nasugatan. Karamihan ng mga turista at trekkers na bumibisita sa lugar, sa dulong katimugan ng bansa, ay Italian.