Nakatakas sa rebeldeng New People’s Army(NPA) ang isang sundalo ng Philippine Army (PA), makalipas ang mahigit isang buwang pagkakabihag sa Man-ay, Davao Oriental.

Ito ang kinumpirma ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) spokesman, Maj. Ezra Balagtey na nagsabing tinulungan ng mga opisyal ng barangay Lambog si Cpl. Johannes Parreño, nakatalaga sa 28th Infantry Battalion (IB) ng PA, upang makatakas, nitong Biyernes ng hapon.

Si Parreño ay sinamahan din sa tactical command post ng 67th Ibn kung saan isinailalim sa medical checkup at debriefing.

Naniniwala naman ang militar na kaya nakatakas si Parreño dahil na rin sa military pressure sa mga rebelde at suporta na rin ng komunidad.

Probinsya

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’

Matatandaang pabalik na si Parreño sa kanilang detachment, kasama si active auxiliary Dindo Sagayno, nang harangin at dukutin sila ng grupo ng mga rebelde sa Taragona, Davao Oriental noong Hunyo 10.

"This is a rare feat, in which NPA captives were able to escape from their captors without any negotiations," ayon sa pahayag ng militar.

-FER TABOY