PORT OF LAMAO, Bataan - Posible umanong ginagamit sa oil smuggling ang Port of Lamao sa Bataan, dahil sa umano’y pakikipagsabuwatan sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC).

Sa pahayag ng Department of Finance (DoF), malaki ang posibilidad na may basbas ng ilang opisyal ng BoC ang nagaganap na pagpupuslit ng langis sa nasabing international seaport.

Tinukoy ng DoF ang P700 milyong halaga ng langis na nasabat ng BoC mula sa dalawang tanker na M/T Alpine Magnolia at M/T Malolos sa nasabing puerto sa tulong na rin ng isang informant, isang taon na ang nakalilipas

Bukod sa produktong petrolyo na idinidiskarga sa nasabing lugar sa kabila ng hindi pagbabayad ng buwis, ginagamit din umano ang Port of Lamao sa pagpupuslit ng illegal drugs, ayon na rin sa intelligence report na natanggap ng tanggapan ni General Rolando Asuncion (retired), hepe ng National Intelligence and Coordinating Agency (NICA).

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Bukod dito, sinabi ni Asuncion na sinusubaybayan na rin nila ang iba pang daungan sa posibleng pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot.

Tinangkang kunan ng panig si BoC District Collector Guillermo Pedro Francia, ngunit tumangging magbigay ng anumang impormasyon sa usapin.

-Mar T. Supnad