TINAPOS na ng mga Bagani si Sarimaw (Ryan Eigenmann) nitong Biyernes, pero bago ito nangyari ay pinahirapan muna sila ng paboritong anak ni Malaya (Kristine Hermosa).

lizquen

Inakala ng manonood na tuluyan nang mamamatay si Lakas (Enrique Gil) dahil sinaksak siya ni Sarimaw sa puso, pero dahil sa pagkakaisang panalangin ng Sansinukob, at dahil nagkakaisa ang kanilang mga puso ay nabuhay muli ang mga Bagani.

Ang saya-saya ng buong Sansinukob dahil sa kanilang pagkakaisa, pagsisikap, pagtutulungan, at pagmamahal sa isat isa ay bumalik na sa maayos ang kanilang pamumuhay.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagkaayos na rin ang mag-amang Lakam (Matteo Guidicelli) at Ama (Robert Seña).

Bilib naman kami kina Lakas at Ganda (Liza Soberano) dahil anim na kaagad ang mga anak nila.

Bago ang ending ay napunta si Liksi (Zaijian Jaranilla) sa mundo ng kasalukuyan, at nakita niya ang mga kamukha nina Lakas at Ganda.

Samantala, ipinakita ang hirap ng shooting ng Bagani simula umpisa, nang inabutan sila ng tag-init sa gubat, at kitang-kita na init na init ang buong cast lalo dahil naka-costume pa sila.

Kaya pala idinaan na lang nila lahatb sa pagsasayaw habang hinihintay na gumiling ang kamera. Ito ‘yung video na nag-viral, na tinampukan ni Aiko Melendez as Matadora/Bighani, kasama ang ibang cast at talents sa Taga Saan Ka Budots dance challenge.

Nagpapasalamat ang Team Bagani sa magagandang reviews sa kanila kaya sulit ang mga hirap nila sa tapings sa loob ng limang buwan.

-Reggee Bonoan