REALITY show pala ang ipinunta nina Enchong Dee at Ria Atayde sa Hong Kong nitong Agosto 13.
Sa nakita naming release sa Hong Kong, nakalagay na: “Enchong Dee Joins Extreme Ends in Hong Kong”.
Parehong host sina Enchong at Ria sa programang sinu-shoot ngayon sa Hong Kong, mula sa action entertainment TV channel na KIX.
“Enchong is one of four celebrities from Southeast Asia featured in the four-episode reality series. He brings along his good friend and actress, Ria Atayde, to explore the amazing contrasts of Hong Kong. As each other’s favorite adventure buddy, they are ready to push their boundaries in this exciting experience,” saad pa sa release.
Nabanggit din na unang nakilala si Enchong sa seryeng Katorse hanggang sa nagkasunud-sunod na ang projects ng aktor, na huling napanood sa katatapos na The Blood Sisters bilang si Dr. Samuel Hechanova, at kasintahan ni Erich Gonzales bilang Erika.
Taong 2015 naman nang magsimula ang showbiz career ni Ria, anak ng aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ng aktor na si Arjo Atayde. Huling napanood ang dalaga sa Wansapanataym Presents: Unofishcially Yours, at muling mapapanood sa seryeng Halik kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby.
“I’m so excited to join KIX’s Extreme Ends. I have no idea what they have planned, but I’m ready to push my boundaries on this trip, especially the food,” sabi ni Enchong.
“And who better to go on this trip with me than my good friend Ria, who is constantly pushing me to try out new things. I cannot wait to go on this eye-opening experience and explore the unknown sides of Hong Kong with her.”
Mahigit isang linggo sa Hong Kong sina Enchong at Ria, at pagbalik ng aktres ay diretso taping na siya ng Halik.
Ang Extreme Ends ay reality show featuring four celebrities and their special guests experiencing the many diverse sides of Hong Kong! Habang sinusubaybayan ang relasyon sa pagitan ng celebrities at kanilang mga guest, itatampok din sa show ang mga bagong features ng Hong Kong.
Ang Extreme Ends ay produced ng parent company ng KIX, ang Celestial Tiger Entertainment, at suportado ng Hong Kong Tourism Board at Harbour City.
Kung tama ang aming nalaman ay sa Oktubre 2018 na mapapanood ang Extreme Ends.
-REGGEE BONOAN