SA October na ang playdate ng pelikulang Tres ng magkakapatid na Luigi, Bryan, at Jolo Revilla, pawang anak ni dating Senador Bong Revilla at ni Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado.

Jolo copy

Isang trilogy movie ang Tres. Bida sa “Virgo” episode si Bryan, si Luigi naman ang pangunahing tampok sa “Amats”, habang si Cavite Vice Gov. Jolo ang bida sa “72 Hours”.

Ang nasabing action film ay hudyat din ng pagbabalik sa paggawa ng pelikula ng Imus Productions.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ayon sa isang source, punumpuno ng aksiyon ang Tres. Kuwento sa amin, kung napagod daw ang mga manonood sa mga makapigil-hiningang bakbakan at patayang ipinakita sa Buy Bust, na pinagbibidahan ng It’s Showtime host na si Anne Curtis, dito sa Tres ay mapapakapit ang mga manonood sa kanilang upuan, sa dami ng aksiyon at suspense ng pelikula.

Sa eksklusibo naming panayam kay Bryan, ibinida niya ang maaksiyong Tres. Aniya, may mga nagkukumpara raw sa Tres sa Buy Bust, dahil parehong from beginning to end ay walang humpay na habulan, barilan at patayan ang mapapanood. Of course, triumph over evil ang mensahe ng pelikula, na napapanahon sa ngayon.

“Bago pa i-showing ang Buy Bust, halos tapos na kami sa produksiyon. Kaya doon sa mga nagsasabing baka nangopya kami, hindi po totoo ‘yun,” sabi ni Bryan.

Nalaman din namin kay Bryan na ang nakababatang kapatid na si Luigi ay magbabakasyon sa Europe this September 1, pero hindi naman niya nabanggit kung sino ang makakasama ng utol niya, kung girlfriend ba o mga barkada.

Sa tatlong magkakapatid daw, ayon kay Bryan, ay loveless sila ni Jolo ngayon. Balik-single si Jolo pagkatapos silang maghiwalay ng long-time girlfriend na aktres na si Jodi Sta. Maria.

Kabe-break lang din ni Bryan sa nobya niyang may-ari ng isang beauty derma clinic.

-ADOR V. SALUTA