MAGBABALIK sa ibabaw ng lona si ex-WBO bantamweight champion Marlon Tapales na kakasa kay dating Tanzanian super bantamweight titlist Goodluck Mrema sa Setyembre 30 sa SM City North EDSA Skydome sa Quezon City.

Ito ang unang laban ni Tapales mula nang mabigong ipagtanggol ang kanyang korona nang mag-overweight sa depensa kay Shohei Omori na tinalo niya via 11th round TKO noong Abril 23, 2017 sa Osaka, Japan.

Mahigit isang taong nagbakasyon sa ibabaw ng ring si Tapales at masusubok kung pupuwede pa siyang muling maging world champion sa pagkasa sa 23-anyos na si Mrema na minsan nang lumaban sa Pilipinas at napatigil sa isang round ni WBO Oriental super bantamweight champion Jeo Santisima noong Hulyo 8, 2017 sa Cebu City.

May rekord si Mrema na 22 panalo, 3 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tapales na may kartadang 30 panalo, 2 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña