Isinusulong ng Mindanao Development Authority (MinDA) na isama ang Palawan sa Mindanao bilang isa sa federated regions nito sa ilalim ng panukalang federal government.

“Historically, in the 50’s, it is called MinSuPala which stands for Mindanao-Sulu- Palawan. The Palawan people trade more with these areas before,” sinabi kahapon ni MinDA public relations head Dr. Adrian Tamayo.

Aniya, hinog na ang Palawan sa politika at ekonomiya at kayang tumayo sa sarili nito, dahil sa kanyang natatanging “trade position with Malaysia, Indonesia and the rest of Southeast Asia” at mayamang mineral deposits.

Ang Palawan ay isang archipelagic province ng Southern Tagalog Region o Mimaropa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi rin niya na ipinanunukala ng MinDA ang pagsasanib ng Davao Region sa Soccsksargen at Caraga sa Northern Mindanao para bumuong bagong federated regions.

Sinabi ni Tamayo na ipinanukala nila na magkaroon ng apat na federated regions sa Mindanao -- South Central Mindanao (Davao and Soccsksargen), Northern Mindanao (Caraga and Northern Mindanao), West Mindanao (Zamboanga Peninsula), at Bangsamoro – kasama ang Palawan.

Ang Davao ay binubuo ng mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, Compostela Valley, at Davao City; ang Soccsksargen ay binubuo ng mga lalawigan ng Cotabato, Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat; ang Caraga ay binubuo ng mga lalawigan ng Agusan del Norte, Augsan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur; at ang Zamboanga Peninsula ay binubuo ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

“We could have four states in Mindanao plus Palawan. The rest they could decide on their own because World Bank study shows that the future of Philippines is actually the future development of Mindanao,” aniya.

-Antonio L. Colina IV