Hindi lahat ng pari ay “sexual predators” dahil lamang sa nagloko ang iilan.

Ito ang binigyang-diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng mga ulat ng pang-aabuso ng mga pari sa Pennsylvania.

“This do not show, however, that all priests are sexual predators,” giit ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, sa isang panayam.

Idiniin niya na maraming pari ang nananatiling tapat sa kanilang tunay na bokasyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“There are plenty of priests who are true to their vocation. These are priests who have contributed immensely not only to the growth of the church but to the development of the country as well,” ani Secillano.

Ang kasalanan ng isa, ay hindi kasalanan ng lahat. “The fault of one is not the fault of all and the church has shown no tolerance for such misconduct,” ani Secillano.

Nauna rito, inilabas ng Investigating Grand Jury of Pennsylvania ang ulat sa child sexual abuse sa loob ng Simbahang Katoliko sa United States”.

Idinetalye sa ulat ang nilalaman ng internal documents mula sa anim na Catholic dioceses sa Pennsylvania na nagpapakita na mahigit 300 “predator priests” ang inakusahan ng pang-aabusong sekswal sa mahigit 1,000 batang biktima.

-Leslie Ann G. Aquino