JAKARTA – Bago ang mahalagang papel na gagampanan sa basketball team, pangungunahan muna ni Filipino-American Jordan Clarkson ang Team Philippines bilang ‘flag-bearer’ sa parada ng mga atleta sa opening ceremony ngayong gabi sa Gelora Bung Karno Stadium.

MATAMANG nakikinig si Fil-Am Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers sa diskarte na itinuturo ni Philippine basketball team coach Yeng Guiao sa isinagawang ensayo ng koponan bilang paghahanda sa pakikipagharap sa China sa Agosto 21 sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia. (EDISON ORIBIANA)

Anim na ‘Barong Tagalog’ na may iba’t ibang sukat ang ipasusuot sa 6-foot-5 guard. Hari-nawa na may mag kasya para maisuot ang Cleveland Cavaliers guard.

“Those were only oversize ones left so we shipped them out as fast as we can,” pahayag ni national team chef de mission Richard Gomez, patungkol sa national costume na dinesenyo ng pamosong couturier na si Randy Ortiz.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I hope one of those fits Jordan.”

Gawa sa telang silk, ang Barong sports ay may burdang “harimanok ” at disenyong Araw sa magkabilang dibdib. Ipaparada ito ng 270-man national contingent, sa pangunguna ni Clarkson sa parada ng atleta ganap na 7:00 ng gabi (8:00 ng gabi sa Manila) ngayon sa 80,000-capacity stadium.

Ayon kay Gomez, inirekomenda niya si Clarkson na flag-bearer kay Philippine Olympic Committee (POC) secretary general Pato Gregorio “because Clarkson is a good role model who has reached the pinnacle of being a Filipino basketball athlete by playing in the NBA. He will inspire our other athletes here to do well.”