DALAWANG taon na binuno ng Hallohallo Entertainment, Inc. ang paghahanap sa buong Pilipinas para mabuo ang grupong MNL48, na counterpart ng AKB48 ng Japan—na nagkaroon na rin ng BNK48 sa Thailand, JKT48 sa Indonesia, TPE48 sa Taiwan, SNH48 sa China, at SDN48 sa Malaysia.

MNL48 girls

Ang MNL48 ang unang Filipina idol group na nabuo sa isang reality talent search sa It’s Showtime, at itinanghal na ‘Queen’ si Shekinah Arzaga.

Base sa kuwento ni Gio Medina, artist management head ng MNL48, umabot sa 4,000 ang nag-audition online, at ang mga napili ay talagang dumaan sa pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw.

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

Sa album launching ng MNL48 sa Movie Stars Café sa Centris Station sa EDSA, Quezon City, ipinarinig ng grupo ang debut single nilang Aitakatta: Gustong Makita, na signature at may pinakamataas na benta sa Japan. Nanguna ito sa Oricon Singles Chart noong 2006, at inawit ng AKB48.

Ang nasabing debut single ay produced ng Hallohallo Entertainment, Inc. at ire-release ng Star Music. Ipinakita ang music video na kinuhanan sa ilang lugar sa Intramuros, Manila at sa Manila Bay, para ipagmalaki sa buong mundo ang magagandang lugar sa Pilipinas.

Ayon sa isa sa mga miyembro ng MNL48: “It was inspired by the original music video of AKB48’s ‘Aitakatta-Gustong Makita, para ibandera sa mga Pinoy kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging ‘idol’.”

Hindi lang ang Filipino version ng Aitakatta ang ipinarinig ng grupo kundi maging ang Japanese song na Sakura no Hanabiratchi-Talulot ng Sakura at Skirt Hirari-Umiindak na Saya, na nakapaloob din sa kanailang debut album, at may kasamang minus one na labas na ngayong Agosto.

Ang Top 16 MNL48 SENBATSU ay binubuo nina Sheki, Abby, Sela, Tin, Alice, Ella, Ash, Gabb, Jem, Sayaka, Faith, Lara, Grace, Quincy, Allysa, at Erica.

Nakarating na raw ang top 16 sa Japan, at nag-observe sila sa activities at laging sold out na shows ng AKB48.

Para sa lahat ng fans ng grupo, tumutok lang sa kanilang live daily online show, ang MNLife at MNLaugh sa MNL48’s official Facebook page (@mnl48official) at YouTube Channel (MNL48), tuwing 6:00 pm. Host nito ang Hashtag members na sina Luke Conde, Maru Delgado, Nikko Natividad, at Zeus Collins. Napapanood ang MNLife tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes; at tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang MNLaugh.

Speaking of Movie Stars Café, naikuwento rin sa amin na ang may-ari nito ang manager at producer ng MNL48, na hindi lang masyadong pumopronta dahil low profile.

Gandang-ganda ang lahat sa Movie Stars Café sa may Centris, dahil hindi mo aakalaing may ganitong entertainment place pala, dahil pagpasok mo ay aakalin mong nasa Hollywood ka sa sobrang laki at hi-tech sa loob, Puwede rin itong rentahan para sa special occasions.

Panalo rin ang performances ng “Hollywood talents” ng Movie Stars Café, na puwedeng ikumpara sa mga napanood namin noon sa mga hotel sa Las Vegas, Nevada, USA.

-Reggee Bonoan