KAHIT bumabagyo at binabaha ang Manila ay dinayo pa rin sina Myrtle Sarrosa, Young JV, Hashtag Ryle Santiago, at Aljun Cawatan (WCOPA Division Gold winner) ng kanilang fans sa National Sisters Day ng Megasoft sa Star Mall Alabang nitong Linggo.

Young JV copy

Nagpaunlak ng dalawang kanta ang bawat guest singer para pasayahin ang fans na pumuno sa venue, mula ground floor hanggang third floor ng mall. Sa opening number ni Myrtle ay halos lumuwa ang dibdib niya sa kanyang suot. Nag-change outfit naman siya nung sumali na sa game portion.

Of course, surprise performer si Aljun na nag-uwi ng gold sa katatapos na WCOPA sa US dahil sa mataas niyang rendition ng The Prayer, na umani ng palakpakan mula sa crowd.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

After ng kani-kanilang performances, dumayo ang grupo sa isang kilalang restaurant sa Star Mall at dito namin nakausap nang hiwalay si Young JV.

Naitanong namin ang tungkol sa kamakailang hiwalayan nila ng girlfriend na si Miho Nishida. Sa mommy ni JV pa nga unang nalaman ang isyu dahil ang kanyang mom ang sumasagot sa social media tungkol sa break-up ng dalawa, na ayon sa mader ng young singer-rapper, thru text lamang daw hiniwalayan ng dalaga ang kanyang anak.

Unang nilinaw ng Kapamilya singer na walang third party sa hiwalayan nila ng Pinoy Big Brother big winner.

Ayon sa singer, personal na isyu sa side ni Miho ang puno’t dulo ng ‘di nila pagkakaintindihan.

“It was a decision we had to make. Ngayon, she’s undergoing something (personal) which I respect, sabi ko gusto ko lang naman maging happy siya,” paliwanag ni Young JV.

Nang tinanong kung totoo ang ipinost ng ina na sa text lamang nakipaghiwalay si Miho, sagot ni JV, “Bilang nanay, worried lang siya sa akin. No comment ako sa ipinost (ng mommy ko), kasi ‘di ko alam kung anong gusto niyang sabihin dun, nagulat na lang ako na may issue na.”

Nais ding linawin ni Young JV na wala silang samaan ng loob ni Miho.

“Good friends (pa rin) kami. Okay kami, and we’re (still) talking. Sabi ko sa kanya, nandito lang ako,” aniya, sabay ngiti.

Kalalabas lang ng pinakabagong single ni Young JV na Bad for Me sa Spotify at YouTube.

Mapapanood naman siya sa Ipaglaban Mo sa ABS-CBN, sa Sabado kasama sina Aljur Abrenica at Jon Lucas

-ADOR V. SALUTA