Pag-aaralan umano ni Justice Secretary Menardo Guevarra kung ano ang karampatang parusa para sa babaeng prosecutor na nakatalo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kamakailan.
Ayon kay Guevarra, pag-uusapan nila ng Internal Affairs Office ng Department of Justice (DoJ) kung ano ang magiging desisyon kay Christine Villamora Estepa.
“For discussion pa today ‘yan with DoJ internal affairs,” aniya.
“We’ll observe due process and give the subject prosecutor an opportunity to explain,” tiniyak ng Secretary.
Ipinaalam na ng MMDA kay Guevarra na nais nitong magsampa ng kasong administratibo laban kay Estepa.
Gayunman, habang isinusulat ito, hindi pa ito naisasampa.
“With or without such complaint, however, I will look into the matter and determine if further proceedings are warranted,” aniya.
Si Estepa ay nakunan ng video na nakikipagtalo sa mga MMDA traffic enforcers dahil sa illegal parking violation sa kasagsagan ng operasyon ng naturang ahensiya sa kahabaan ng Mayon Street, malapit sa Suki Market, sa Quezon City.
Samantala, nagtungo si Estepa at mister nito sa MMDA upang humingi ng paumanhin sa insidente.
“We would like to take this opportunity to apologize to the MMDA enforcers especially to Colonel Bong Nebrija and constable Azures,” sabi ni Estepa.