Nanawagan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na magkaisa at isulong ang mga programa ng gobyerno sa federalismo, gayundin ang mga pagsisikap laban sa droga at katiwalian.

Hiniling ng Pangulo ang pagkakaisa upang itaguyod ang “very bright future” para sa bansa sa unang anibersaryo ng PDP-Laban Cares at PDP-Laban leaders reunion sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

“As we [undergo] reforms in this administration, our unity is now more important than ever. I therefore ask the continued support of PDP-Laban and its partners in creating practical solutions to address the root cause of our nation’s problems,” bahagi ng talumpati ni Duterte.

“Let us remain committed to the party’s vision of liberating our people from the clutches of poverty, conflict, crime, illegal drugs and corruption through the promotion of justice, equality, and good governance,” ani Duterte, chairman ng namumunong partido.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nanawagan din si Duterte sa mga kapartido na isulong ang panukalang paglipat sa federalismo, na prayoridad ng kanyang administrasyon.

“With your help, I see a very bright future ahead for the Philippines,” aniya.

Dumalo rin sa okasyon ng PDP-Laban sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Senator Aquilino Pimentel III, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, at PDP Cares chair Kathryna Yu.

-Genalyn D. Kabiling