POSITIBO ang pananaw ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond Maxey sa matagumpay na pagsasagawa ng Ikatlong Yugto ng Indigenous Peoples Games (IPG) na gaganapin sa lalawigan ng Ifugao sa Agosto 21-23.

Maxey

Maxey

Ayon kay Maxey, masaya siya sa pagtangkilik at kooperasyon na ipinapamalas ng mga Local Government Units (LGUs) at ng mga katutubo sa mga laro sa huling dalawang leg.

“This is our third leg of the IP Games following the two previous ones in Lake Sebu, South Cotabato and Davao del Norte. We are very excited to witness and learn from the unique traditional games in Ifugao,” ayon kay Maxey.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang 400 kalahok mula sa 11 local government units (LGUs) -- Aguinaldo, Alfonso Lista, Asipulo, Banaue, Hingyon, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayoyao, at Tinoca – ang makikilahok sa tatlong araw ng kompetisyon tampok ang mga katutubong laro ng mga tribu ng Ifugao.

Ayon kay Ifugao Provincial Sports Coordinator Maureen Inhumang, nakipag ugnayan mabuti ang kanilang tanggapan sa Indigenous Peoples Education (IPED) para sa pagpili ng mga LGUs at mga katutubong laro na paglalabanan sa nasabing kompetisyon.

Hahatiin sa anim na clusters ang 11 munisipalidad na maglalaban laban sa mga larong gaya ng pating race, akkad, hanggul, o volleyball, bowot, lattik, labba race, kadang-kadang, paktilan, bultong, log race, guyyudan, pig catching, munbayu, at munparti ya munlagim.

Dahil dito ay mismong ang PSC ang magbibigay ng pagkain, t-shirt at transportation allowance para sa mga lalahok sa nasabing kompetisyon.

-Annie Abad