MABIBIGYAN ng kapangyarihan ang Games and Amusement Board (GAB) na masawata ang ilegal na online sabong o mas kilala bilang e-sabong sa isusulong na panukalang batas sa House of Representative para maitaguyod ang legal na regulasyon hingil dito.

Mitra

Mitra

“Kami po sa GAB ay natutuwa sa suportang ibinibigay sa amin ng Kongreso. Marami na po kaming natatanggap na reklamo hingil sa e-sabong betting pero nakatali ang aming mga kamay dahil wala kaming pinanghahawakang legal para dito,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Ayon naman kay GAB Legal Division Chief Atty. Ermar Benitez dagok sa pamahalaan kung hindi mabantayan ang pustahan sa mga e-sabong.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“That’s the only role left with the GAB. That is why we support very much the House bill because it already specifically provides what kind of regulation the national government can do through GAB,” ani Benitez.

Matapos ang pakikipagpulong ng mga opsiyal ng GAB, stakeholders sa horseracing at sabong sa House of Representative nitong Lunes, isang technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Games and Amusement upang bumuo ng isang panukalang batas para sa regulasyon ng e-sabong.

Inatasan ni Committee chairman Rep. Gus Tambunting ng Paranaque City si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na mamunuo sa TWG.

Ayon kay Batocabe, kalangan na maging klaro ang kapangyarihang maibigay sa GAB upang masugpo ang ilegal na gawain, gayundin na mapatawan ng kaparusan ang mga local na pamahalaan na nakapagsasagawa ng e-sabong.

“The problem now is who will enforce the regulations if the LGU is the one violating the law?” isang katanungan na kailangang mahanapan ng karampatang kasagutan ayon kay Batocabe.

Sinabi naman ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano na dapat saklaw ng regulasyon maging ang mga international cockfight.

“Yung live streaming outside the country, mas matindi pustahan doon and nothing goes to the government. It’s unfair to the government. ‘Yung betting sa mga international derbies, millions of pesos ang involved. The GAB is getting nothing,” aniya.

Nilinaw rin ni Mitra na nabuwag na ang Game Fowl Commission (GFC) at ang responsibilidad nito ay inilipat na rin sa GAB.

Ayon kay Mitra, nagbabayad sa GFC ng P200 hanggang P300 ang mga sabungan kada sultada.

“So, all over the country, lahat po ng sabong, meron pong sine-set aside para sa GFC. Ngayon, abolished na ang GFC, hindi na ito nagagawa at wala kaming natatanggap na gantiong galaga mula sa mga sabungan,” sambit ni Mitra.

“It’s supposed to be collected. Sa lahat po ng center bets, may binabawas na P200. After mawala ang Game Fowl Commission wala po silang nire-remit sa amin, ni piso. Wala rin po kaming nireresibuhan. Pero kahit saang sabungan, sinasabi na meron,” ani Mitra.

“Wala pong nakukuha ang national government dito. Wala rin po kaming nire-remit sa Bureau of Treasury.”