Sinabi ng Malacañang na dapat pahintulutan si Pangulong Duterte na magbakasyon, binigyang-diin na hindi biro ang trabaho ng 73-anyos na leader.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos itong unang banggitin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang forum.

Sa press briefing nitong Huwebes, sumang-ayon si Roque na dapat magbakasyon si Duterte ngunit sinabing wala siyang ideya na posible ito para sa isang Pangulo ng bansa.

“Well, I don’t know how he does it because we all find time for breaks. But there’s no such thing as leave for a president,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“So he probably should get one. He should probably file, officially, a leave and designate, you know, the Executive Secretary as acting like what he does when he goes abroad,” dagdag niya.

Sa tuwing may lakad sa labas ng bansa, pinipili ni Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang kanyang alter ego hanggang sa makabalik siya sa bansa.

Ayon kay Roque, ‘tila walang mechanism para pahintulutang magbakasyon ang Presidente. Gayunman, sinabi niya na dapat itong subukan ni Duterte .

“Walang mechanism nga eh, come to think of it. Although, you know, you’re always president 24/7. So, siguro pupuwede naman talaga siyang mag-holiday leave. Let’s see, it’s untested waters, why not?” pahayag ni Roque. “Well, everyone deserves a break. Kung pupuwede, why not?”

-Argyll Cyrus B. Geducos