BIGLANG naging faney, as in fan girl na fan girl, si Donya Lolit Solis ni Ai Ai delas Alas.

Ai Ai copy

Sobra kasi ang paghanga niya sa tinaguriang Comedy Queen nang manalo itong Best Actress sa kakatapos na 14th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, dahil sa performance nito sa School Service. Sari-sari ang nakuhang reviews ng pelikula, pero walang kumuwestiyon sa husay ng pagganap ni Ai Ai, in fairness.

“Ginanap ang awards night ng Cinemalaya noong maulan na Linggo nang gabi pero hindi nakarating si Ai Ai dahil may taping siya para sa Sunday Pinasaya,” simulang kuwento ni Donya Lolit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Of course, napaiyak si Ai Ai nang malaman niya ang good news. Never na umasa ang Comedy Queen na mananalo dahil mahuhusay rin ang ibang mga nominado.

“Dahil nag-win si Ai Ai ng Best Actress award para sa isang pelikulang mabigat sa dibdib, puwedeng magbago ang desisyon niya tungkol sa paggawa uli ng indie movie,” dagdag pa.

Nauna na kasing sinabi ni Ai Ai na sa 2020 na uli siya gagawa ng indie movie dahil sa kanyang busy schedule.

“Baka makumbinsi si Ai Ai na magbida uli sa isang madrama na indie movie kapag may dumating na magandang materyal na magugustuhan niya, at muling hahamon sa kanyang kakayahan bilang dramatic actress,” sabi pa ni Donya Lolit, na tinaguriang “Harbat Queen” sa industriya—pero madalas ding nahaharbatan ni Yours Truly. Ha, ha, ha!

-Mercy Lejarde