WASHINGTON (Reuters) – Pinalawak ng militar ng China ang bomber operations nito sa mga nakalipas na taon kasabay ng “likely training for strikes” laban sa United States at mga kaalyado nito, nakasaad sa ulat na inilabas ng Pentagon nitong Huwebes.

Nakapaloob ang assessment sa annual report na binigyang-diin ang mga pagsisikap ng China na palakasin ang impluwensiya nito sa buong mundo, sa defense spending na tinaya ng Pentagon na lumagpas sa $190 bilyon sa 2017.

“Over the last three years, the PLA has rapidly expanded its overwater bomber operating areas, gaining experience in critical maritime regions and likely training for strikes against U.S. and allied targets,” saad sa ulat, gamit ang acronym para sa People’s Liberation Army ng China.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture