MAY paradigm shift na nangyayari sa local movie industry.Matatandaan na nagkaroon ng wave ang poverty porn na nasindihan ng awards na ibinigay ng ilang international film festivals sa mga pelikulang nagpapakita ng kalunus-lunos na kahirapan, mga sakuna o kalamidad, at pamamayani ng karahasan sa ating bansa. May ibang independent filmmakers na nagsigaya, sa paniniwalang ito ang bagong aesthetic o “beauty” pero karamihan o halos lahat ay hindi pinapasok ng mga manonood.

'Bakwit Boys' cast

Bakit nga ba naman kailangan pang panoorin ng mga kababayan natin ang mga trahedyang direkta nang nararanasan sa lipunan? Iba ang ginawa ni Jason Paul Laxamana, direktor ng Bakwit Boys na kasali sa isinasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) filmfest. Sa halip na depressing o shocking, ginawa niyang inspirational ang istorya ng isang pamilyang sinalanta ng super typhoon sa Isabela.

Lumikas ang apat na magkakapatid sa Pampanga at nanirahan sa kanilang lolo (ama ng nanay nila). Tulad ng mga ibon na umaawit pagkatapos ng unos, tayong mga Pilipino ay sanay nang bumangon at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga unos. At ito ang ipinakita ni Direk Jason Paul sa Bakwit Boys.Napatunayan niya at ng producer ng T-Rex Entertainment na ganitong pelikula ang hinihintay ng moviegoers.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Malaking katibayan ang halos 50 sinehan na naidagdag sa Bakwit Boys sa pangalawang araw ng PPP. Mahigit 50 lang ang sinehan ng Bakwit na naging 100 sa second day.Highly recommended namin sa lahat ang Bakwit Boys, lalo na ang nadi-depress sa na mga negatibong nangyayari sa ating bansa.

Malaking tulong din sa producer kung kikita ito dahil makakagawa uli sila ng ganitong pelikula na makakapagpagaan ng kalooban at muling hihimok sa mga kababayan natin para lumaban sa buhay.Samantala, matatandaan na noong nakaraang PPP ay ang 100 Tula Para Kay Stella na idinirihe rin ni Jason Paul ang nanguna sa box office.

‘Di ako nambobola kapag isinusulat kong isa siya sa pinakamahuhusay na direktor natin.

-DINDO M. BALARES