KERALA (AFP) – Daan-daang tropa ang nanguna sa desperadong operasyon para sagipin ang mga pamilya na naipit sa tumitinding baha sa Kerala state ng India nitong Huwebes sa pag-akyat ng bilang ng mga nasawi sa 106 at halos 150,000 ang nawalan ng tirahan.

Sinabi ni Kerala chief minister Pinarayi Vijayan na nahaharap ngayon ang estado sa “extremely grave” crisis sa inaasahang mas marami pang mga ulan. Isinara ang pangunahing paliparan sa rehiyon hanggang Agosto 26.

Iniulat ng media na tinatayang 30 katao pa ang pinangangambahang namatay sa mga landslide at pag-apaw ng mga ilog, na nagpabaha sa maraming pamayanan.

Pinakamatinding tinamaan ang north at central Kerala ngunit ang lahat ng 14 distrito ng estado ay inilagay na sa alerto sa inaasahang pagbuhos ng malakas na ulan sa susunod pang mga araw.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina