Maaari nang magplano ng bakasyon para sa susunod na taon makaraang ilabas ng Malacañang ng listahan ng mga holidays sa 2019.

Inilabas kahapon ng Palasyo ang kopya ng Proclamation no. 555 na nakalista ang mga regular at special holidays sa susunod na taon.

Sa inilabas na proklamasyon, mayroong 10 regular holidays at siyam na special non-working days.

Narito ang mga regular holidays: New Year’s Day, Enero 1; Araw ng Kagitingan, Abril 9; Huwebes Santo, Abril 18; Biyernes Santo, Abril 19; Labor Day, Mayo 1; Araw ng Kalayaan, Hunyo 12; National Heroes’ Day, Agosto 26; Bonifacio Day, Nobyembre 30; Pasko, Disyembre 25; at Rizal Day, Disyembre 30.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Habang ang special non-working days naman ay ang: Chinese New Year, Pebrero 5; ika-33 EDSA People Power Revolution Anniversary, Pebrero 25; Sabado de Gloria, Abril 20; Ninoy Aquino Day, Agosto 21; Undas, Nobyembre 1; Feast of the Immaculate Concepcion of Mary, Disyembre 8; at ang huling araw ng taon.

Idinagdag din sa special non working days ang All Souls’ Day, Nobyembre 2; at Bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia