Sinisiyasat ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa pamumuno ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Ty Pimentel, ang sinasabing anomalya tungkol sa pagbabayad umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga road right of way (RROW) claimants na gumamit ng mga pekeng titulo ng lupa.
Batay sa House Resolution 1551 ni South Cotabato 1st District Rep. Pedro Acharon Jr., dapat na imbestigahan ito ng Kamara upang papanagutin ang mga may sala.
Nahaharap si dating DPWH Secretary Rogelio Singson sa graft charges, na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y P8.7-bilyon RROW scam, bagamat mariin na itong itinanggi ng dating kalihim.
-Bert de Guzman