MALAKING challenge para kay Joshua Garcia ang bagong role na iniatang sa kanya ng Star Creatives bilang si Inno sa seryeng Ngayon at Kailanman, na papalit sa magtatapos nang Bagani.

Joshua copy

Malayo raw kasi sa tunay na buhay ni Joshua ang kanyang karakter bilang si Inno, na mayaman, maporma, at Inglesero.

“Dito po kasi iba ‘yung character ko, parang kumbaga nag-switch kami ng character (ni Julia Barretto). Ako naman ang mayaman, siya ‘yung mahirap,” bungad ni Joshua sa media launch ng serye sa Dolphy Theater last August 13.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ayon kay Joshua, isang malaking challenge para sa kanya ang laging pagsasalita ni Inno ng English.

“Challenging din dito ‘pag may confrontation scene na, tapos English,” natatawang kuwento ni Joshua.

“Mahirap po mag-English, ‘yun po ang pinaka-challenging sa lahat. And the way ng pag-deliver dapat spontaneous, bawal ang buckle, dapat fluent, bawal magkamali, tama dapat ang bigkas,” dagdag pa niya.

Challenging daw ang pagsasalita ng English para kay Joshua, na isang Batangueño. Gayunman, pinasasalamatan ng aktor ang Star Creatives sa suportang ibinigay sa kanya para maayos niyang magampanan ang karakter niya sa Ngayon at Kailanman.

“Nagbigay talaga sila ng speech coach. So, bago sumalang sa eksena, iko-coach muna nila ako,” nangingiting kuwento pa ni Joshua.

-Ador V. Saluta