MASUSUBOK ang kakayahan ni dating International Boxing Association (IBA) super flyweight champion Bruno Escalante ng Pilipinas sa pagkasa kay International Boxing Organization (IBO) Inter-Continental 115 pounds titlist at walang talong si Alexandru Marin ng Romania sa Setyembre 8 sa Forum, Inglewood, California sa United States.

Magsisilbing main undercard ang 10-round na sagupaan nina Escalante at Marin sa labanan ng dalawang Pilipinong sina three-division world champion Donnie Nietes at NABF super flyweight titlist Aston Palicte para sa bakantent WBO 115 pounds belt.

Galing si Escalante sa tatlong sunod na panalo kina Mexican warriors Alex Rangel (UD 6), Javier Gallo (TKO 6) at Diuhl Olguin (UD 8) kaya tiyak na mapapasabak siya kay Marin na huling nagwagi kay Michael Ruiz Jr. sa 2nd round knockout para makuha ang IBO belt.

May perpektong rekord ang tubong Bucharest na si Marin na 16 panalo, 11 sa knockouts, samantalang may kartada ang tubong Cebu na si Escalante na 17-3-1 na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña