“GUSTO ko na sanang sumuko,” kuwento ni Brian Gazmen sa interview namin para sa bagong pelikula niyang Petmalu—sa direksiyon ng kanyang manager na si Joven Tan, “pero timing namang dumating ang five-year contract ng Star Music.”Batambata pa nang mag-umpisang sumubok sa auditions si Brian.

Brian copy

“Ang dami-dami ko na pong naranasang rejections, simula pa sa Goin’ Bulilit, ‘di ko na nga mabilang. Pero ito talaga ang dream ko, maging entertainer, magpasaya ng mga tao.

Alam ko namang kulang pa ang mga alam ko, kaya nag-workshop ako nang nag-workshop. Siguro naka-twenty acting workshops na ako, pero willing pa ring mag-aral ng tamang pag-arte hanggang matuto ako talaga.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Pang-apat na niyang pelikula ang Petmalu, ang pinakamahabang exposure niya sa isang proyekto, at gumaganap siya bilang rich kid na hindi sinusuportahan ng mga magulang.

“Kabaligtaran ng totoong buhay ko,” natatawang sabi ng rising actor/singer, “kasi lumaki akong buo ang attention at suporta ng mama ko sa akin. Ang role ko, hindi open sa parents niya kaya hindi sila nagkakaintindihan; ako ang after-character, kasi sinasabi ko sa mama ko ang lahat ng gusto ko, lahat ng dreams ko kaya madali niyang naiintindihan ang mga kailangan ko.”

Bunsong anak si Brian ng multi-awarded public servant na si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor.

Kaya nanggaling si Brian sa siyudad na tinubuan ng superstar na si Nora Aunor.Ngayong unti-unti na siyang nakikilala, saan niya nakikita ang kanyang sarili pagkaraan ng sampung taon?

“Tapos na ako ng studies ko no’n siyempre, at kung magtutuluy-tuloy ang career path ko, sana sikat na ako, may sariling business na, at mas maraming tao na ang napapasaya.”First year sa Theater Arts sa Ateneo de Manila si Brian, pero balak niyang mag-shift sa Business Management sa second year. Sa Ateneo rin siya nagtapos ng high school.

Feeling ba niya, isinilang siya para sa entertainment industry?

“Di ba, Tito Dindo noong six o seven years yata ako no’n agad akong lumapit sa inyo nang sabihin ni Mama na entertainment writer kayo?”Napakakulit na bata! At ang sabi, “Tito, gawin n’yo akong artista! Gusto ko po ngayon na!”Inakala kong nagbibiro o dala lang ng nakikitang pagkakagulo ng mga tao kapag may iniimbitahang mga artista sa siyudad nila. Natawa nga pati ang mama niya.

Pero seryoso pala.At ang mga tumatagal at minamahal sa showbiz o sa kahit na anumang industriya, na laging nangangailangan ng mga bagong talent, ay seryoso sa trabahong ito.

Walang imposible sa mga taong marunong mangarap at nagsisikap na maabot ang pangarap nila. Gaano man karami ang nararanasang rejections.

-DINDO M. BALARES