Pagmumultahin ng P2,000 ang mga provincial bus driver na magtatangkang lumusot sa EDSA mula sa Pasay City patungong Cubao, Quezon City simula ngayong Miyerkules, Agosto 15.

Ito ang babala kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, ipatutupad ang provincial bus ban simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 6:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.

Sinabi ni MMDA Task Force Special Operations Commander Bong Nebrija na umaasa ang ahensiya na makatutulong ang provincial bus ban sa pagpapagaan ng trapiko sa EDSA.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We are expecting to reduce traffic tomorrow, August 15. Ang mababawas na provincial buses almost 2,000 around 25 percent bus population,” sabi ni Nebrija.

Matatandaang makailang beses nang naudlot ang implementasyon ng bus ban, dahil sa Valenzuela interim terminal.

“We are pushing through with the provincial bus ban starting August 15, only during rush hours,” sabi naman ni MMDA General Manager Jose Arturo Garcia.

Ayon sa MMDA, hanggang sa Cubao lang dapat ang ruta ng mga bus na manggagaling sa norte habang hanggang Pasay City lamang ang mga manggagaling sa south. Para sa mga bus na walang terminal sa Pasay, maaari umanong gamitin ang Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT).

Samantala, kasabay namang ipapatupad ngayong araw ang dry-run para sa driver-only ban sa EDSA na ipatutupad tuwing rush hour.

Hindi naman muna magpapatupad ng multa para sa driver-only ban ayon sa MMDA.

“If the one week dry run goes smooth, the target fine to be imposed is P1, 000,” ani Garcia.

-Jel Santos