NGAYON, maaari nang muling tuklasin at dayuhin ng mga lokal at banyagang turista ang mga luma at bagong lugar sa Metro Manila sa pamamagitan ng Ikot Manila, ang bagong kampanya para sa turismo ng Department of Tourism (DoT) at ng LRT-1.

Itinatampok sa “IkotMNL” ang bagong talang listahan ng mga lugar na maaaring puntahan na akma para sa lahat.

Para sa ‘do-it-yourself’ (DIY) o mga walang gabay ng tours, maaaring pumili ang mga turista sa mahigit 70 ‘must-see’ na lugar malapit sa 20 istasyon ng LRT-1.

Para sa mga nagnanais subukan ang isang religious trip, maaaring bumaba sa Baclaran Station kung saan maaaring lakarin para puntahan ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help; o sa istasyon ng Carriedo, ilang metro lamang ang layo sa Simbahan ng Quiapo ang tahanan ng Itim na Nazareno, na malapit din sa mga simbahan ng Manila Cathedral sa Intramuros at San Sebastian na kilala sa ghotic architecture.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Matatagpuan din malapit sa simbahan ng Quiapo ang Masjid Al-Dahab o mas kilala sa tawag na Golden Mosque.

Para naman sa guided tours, maaaring tawagan ng mga nais bumisita ang mga katuwang na DoT, ang Tralulu, Walk This Way, Old Manila Walks at Kapitbahayan sa Kalye Bautista, na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Maynila at cultural geritage nito habang dumaan sa mga ruta ng LRT.

Pormal na inilunsad nitong Sabado ang kampanya kasabay ng paglagda sa isang kasunduan para sa nasabing inisyatibo, sa pamumuno nina DoT Secretary Bernadette Romulo-Puyat at LRT-1 operator Light Rail Manila Corporation President at CEO Juan Alfonso.

Tiwala si Puyat na papatok ang kampanya sa lahat ng edad na nagnanais makita ang Maynila sa ibang anggulo.

Aniya, kasalukuyan nang nagsasagawa ang DoT ng mga pagpapaunlad na proyekto upang higit pang mapaganda ang Intramuros at iba pang pambansang parke na nasa paligid ng Maynila.

“We have a lot of projects with the private sector, soon you’ll be seeing it,” ani Puyat.

Samantala, sinabi naman ni Alfonso na kinikilala ng kampanya ang tungkulin ng LRT-1 sa pagsusulong ng turismo sa Maynila at ang patuloy nitong paglaki.

“As the LRT-1 operator, we are in a unique position to connect local and foreign tourists to the city’s most important and historic places in the quickest land travel possible,” aniya.

PNA