HARRISBURG, Pa. (AP/ Reuters) – Daan-daang paring Katoliko sa Pennsylvania ang nangmolestiya ng mahigit 1,000 bata, simula noong 1940, at isang senior official ng simbahan, kabilang ang kasalukuyang archbishop ng Washington, D.C., na sistematikong itinago ang mga kaso ng pang-aabuso, ayon sa ulat ng grand jury.

Nitong Martes, isinapubliko ang 884 na pahina ng ulat mula kay Pennsylvania Attorney General Josh Shapiro, matapos ang dalawang taong imbestigasyon kasama ang mga grapikong halimbawa ng mga batang binihisan at seksuwal na inabuso ng mga pari.

“Priests were raping little boys and girls, and the men of God who were responsible for them not only did nothing. They hid it all,” pahayag ni Attorney General Josh Shapiro sa isang news conference sa Harrisburg.

Sa report, nasa 301 ang naitalang bilang ng mga nang-abusong pari, bagamat karamihan ng mga kaso ay lampas na sa statute of limitations. Mahigit 100 ang namatay na habang ang iba ay nagretiro o natiwalag sa pagiging pari.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa mga inimbestigahang suspek, tanging dalawa ang nakasuhan, kabilang ang pari na nauna nang umamin sa kasalanan.