TATLONG araw na bed rest ang payo ng doktor ni Kris Aquino simula noong Linggo dahil sobrang baba ng blood pressure niya at kailangan niyang magpahinga at kumain ng mga pagkaing pampataas ng dugo.
Pero maski pala bed rest si Kris ay naka-monitor siya sa mga lugar na binaha at talagang napapailing siya, kaya nagsabi na siya sa kanyang mga assistant na mamili ng mga pagkain at toiletries, na kailangan ng mga kababayan natin para dalhin sa kanila.
Natunugan na ng doktor na may planong lumabas si Kris pero hindi pa puwede dahil mababa pa ang BP niya at continuous pa rin ang pag-inom ng gamot.
Nagulat nga si Bossing DMB. Aniya, “Last message ko, ‘Not advisable at 80/50. Rest na muna, please.’ Pinaliguan ko lang ang aso ko, nalaman ko nasa Marikina na.”
Kami rin ay nagulat dahil sinabihan namin ang Queen of Online World at Social Media: “Madam, kayo po talaga…doble ingat na lang po.”
Pero sinagot kami kaagad ni Kris: “Reg, hindi puwedeng rumampa lang sa Hollywood then care bears na sa suffering ng tao. This is my way of giving back.”
Maya-maya ay nag-post na si Kris sa kanyang Instagram: “Kalurx, tadhana nga naman (‘yung name ng school). I am from the 3rd district of QC. Nagtanong po ako sa mayor namin kung meron pang matutulungan, no need na daw. Called my friend, Cong. Bolet Banal he said: ‘Kris, si Cong Miro (Quimbo) ng Marikina ang nagulpi ang area- kapitbahay natin’.
“We communicated, inubos ni Alvin & Bincai ang Ariel, Pantene, Safeguard, Cheez Whiz, and Lucky Me from both Pure Gold & SM Hypermart. Sinabi kong try namin magdala ng mainit na hapunan, malayo ang branches ko ng Chowking, so du’n sa malapit na branch ako nakapag-bulk order.
“May ready stock kami sa house na Unipak & Healthy Family. Sinabihan akong pahatid na lang kasi ‘di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort.
“Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila, hindi kailangang nakaposisyon para magbigay ng tulong at makisimpatya sa mga kapwa Pilipino. It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts), itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin ni kuya Josh & Bimb. God bless you all. #lovelovelove (Song credit: I will be here by Gail Blanco from my Universal Records album My Heart’s Journey).”
At hayun, bandang 8:00pm ay nalaman naming nasa Marikina na si Kris at namimigay ng pagkain para sa mga binaha.
Sa post ng netizen na si Belinda Cruz Domingo, kinuhanan niya ng litrato si Kris na naka-yellow shirt: “Starstruck ang lahat sa pagdating ni Ms Kris Aquino sa HBES upang magpamigay ng relief goods sa nasalanta ng habagat. Thank Q., Cong. Miro Quimbo for bringing her to Concepcion Uno with kap. Gerry Sto. Domingo.
Dagdag pa ni Kris: “My mom always liked the number 13, maybe because of her deep devotion to Our Lady of Fatima. I’ve been on doctor-ordered bed rest, but the pictures I’ve seen forced me out of bed. Aug 13, confident na may guardian angel na magbabantay (80/55 po ang BP nu’ng gumising, pero nag 90/70 na ngayon). Paulit ulit kong sinasabi po, my Mom emphasized to me ‘To whom much is given, much is expected in return’. Alvin & Bincai went to the nearest SM Hypermart & Pure Gold. Rochelle placed a bulk order of Chowking meals.
“What I’m bringing sa mga kapitbahay namin sa Marikina was all I could have bought & prepared in less than 3 hours. I want & need to give back, sa lahat ng kabutihan, suporta, at pagmamahal na naibigay na sa ‘min, nasa posisyon man kami o hindi, tungkulin kong suklian ‘yun ng abot sa makakayanan ko.
“This is being posted to hopefully encourage all those who are safe & comfortable in our homes, many are still in temporary shelters & need whatever assistance we can share. Tulong-tulong ang buong household po namin dahil alam naming lahat, kung anong meron ako at meron sila, galing po sa kapwa Pilipino. Simpleng pagtanaw lang po ito ng #utangnaloob.”
Bago maghatinggabi nitong Lunes ay nakabalik na si Kris sa bahay nila at kaagad nagpahinga.
Pagkagising kahapon ni Kris ay ito ang post niya: “I saw pictures of suffering & I knew I’d feel guilt by continuing to rest & ignoring it... maybe it’s because I’ve already experienced what it’s like to rebuild from zero that I knew a little personal effort from me could make a difference some will criticize me for posting our effort to help, my answer, hindi naman para sa inyo ang ginawa ko.
“Sana maraming ma-encourage na mag-share din ng blessings nila dahil ang sarap ng feeling makakita ng mga ngiti at makarinig ng THANK YOU.
“This was just a girl who has been given the privilege to resurrect from the ashes doing her share to uplift others, you see she knows what it’s like to feel like there was no tomorrow, yet she found the strength & she battled on.
“She’s trying to not let what hurt her in the past make her bitter, she’s doing her best to live a life where she has become better. (My sons & I have a TVC shoot on Friday, I shall obey my doctor, sign off from stress & get strong for the work ahead).
“Tonight was for you, mom. Your baby did what she knows in her heart would make you smile. After all, I’ll always try to be the best version of me because I want to be more like you.”
-REGGEE BONOAN