Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel at Jordan sa susunod na buwan para sikaping mapabuti pa ang relasyon sa dalawang bansa.

Magaganap ang official visit ng Pangulo sa Israel sa Setyembre 2 hanggang 5 sa imbitasyon ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Kinumpirma rin ni Roque na inaasahang didiretso ang Pangulo sa Jordan matapos bumisita sa Israel. Sinabi niya na maglalabas ang Palasyo ng mga detalye ng biyahe ng Pangulo sa Jordan, na kamakailan ay nag-alok ng dalawang military helicopters sa Pilipinas. Sa pagbisita niya sa Israel, inaasahang makakapulong ng Pangulo si Netanyahu, at sasaksihan ang paglalagda sa ilang cooperation agreements, ani Roque.

Ito ang unang pagbisita ng isang pinuno ng Pilipinas sa Israel simula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1957.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The historic visit will highlight the enduring friendship between Filipinos and Israelis, which began when President Manuel L. Quezon opened the doors of the Philippines as a sanctuary to an estimated 1,300 Jewish r e f u g e e s who were fleeing the Holocaust,” ani Roque.

-Genalyn D. Kabiling