Inatasan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang mga bagong opisyal ng pamahalaan na umiwas sa katiwalian at magagarbong biyahe sa ibang bansa habang nasa serbisyo.

Sa kanyang pagtatalumpati sa harap ng 178 opisyal ng pamahalaan na nanumpa sa Malacañang nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na ang mga manggagawa ng pamahalaan ay dapat na magkaloob ng “excellent public service” at maging “instruments of fairness, transparency, and justice”

“Wala naman akong guidance na maibigay except that, you know, the standard is simple. You must be competent and honest,” ani Digong.

“I see good people around and I hope that you give your best to your country. Just avoid corruption,” dagdag niya.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Binalaan din ni Digong ang public servants laban sa madalas na pagbiyahe sa ibang bansa at “excessive allowances.” Nangako siyang magiging mahigpit sa paggastos ng pondo ng bayan at patuloy na lalabanan ang katiwalian sa ilalim ng kanyang termino.

“I now task you to be at the forefront of excellent public service in your respective departments and agencies. Be the instruments of fairness, transparency, and justice that the Filipino people expect you to be.

“Basta kayo, magtrabaho lang. The marching order is simple: just protect government interest,” aniya.

Hiniling din niya sa mga opisyal ng pamahalaan na suportahan ang kampanya laban sa illegal drug trade.

-GENALYN D. KABILING