Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa pitong pulis na umano’y sangkot sa maanomalyang pag-iisyu ng AK-47 rifle license noong Agosto 2011-Abril 2013.

Kinilala ang mga sinibak na sina Chief Supt. Regino Catiis, ng PNP directorate for human resource and doctrine development; Supt. Nelson Bautista, ng Personnel Holding and Accounting Unit; Supt. Ricky Sumalde ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); Chief Insp. Ricardo Zapata, Jr., ng PNP Region 3; Senior Supt. Eduardo Acierto, ng Civil Security Group; SPO1 Randy Madiam De Sesto, ng Civil Security Group; at Sol Bargan, civilian employee ng Civil Security Group.

Bukod sa pagkakasibak sa puwesto ay hindi na rin maaaring makuha ng mga nabanggit na pulis ang kanilang retirement benefits, kanselado na rin ang kanilang eligibility, at hindi na maaaring maglingkod sa pamahalaan.

Samantala, pinasisibak din si retired Chief Supt. Raul Delfin Petrasanta, na dating pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office, ngunit nauna na itong magretiro noong Hunyo 2017. Gayundin si NUP Nora Pirote, na kinuha naman ang kanyang optional retirement.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Napag-alaman na nagretiro rin ang isa pang akusado na si Chief Supt. Allan Parreño noong Disyembre 2015.

Kasama rin sa dismissal case si SPO1 Eric Domasig Tan, ng Personnel Holding and Accounting Unit, ngunit sinibak na ito sa serbisyo noong Pebrero ngayong taon.

Dahil dito, kapwa pinagmumulta ng isang taong sahod sina Tan at Pirote.

-FER TABOY