PORMAL na sinimulan ang National Basketball Association (NBA) 3X Philippines 2018, sa pakikipagtulungan ng AXA, sa ginanap na North Luzon qualifying nitong nakalipas na weekend sa Benguet State University.

DETERMINADO ang mga batang kalahok sa ginanap na North Luzon qualifying ng NBA 3x Philippines sa Benguet.

DETERMINADO ang mga batang kalahok sa ginanap na North Luzon qualifying ng NBA 3x Philippines sa Benguet.

Nasa ikawalong sunod na season, ang NBA 3X ay magsasagawa pa ng dalawang preliminary tournaments sa Don Bosco Technical Institute Makati sa Aug. 18-19.

Kabuuang 100 koponan mula sa Apayao, Dagupan, Baguio, Benguet at kalapit na lalawigan, gayundin ang koponan mula sa Caloocan City, ang nakilahok sa North Luzon qualifying.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May anim na koponan ang umusad sa NBA 3X Playoffs at makakalaro sa Metro Manila division qualifiers sa Aug. 15-26 sa MOA Music Hall.

Nanguna sina Rieken Espinosa, Dreyxius Castillo, Kyle Patrick Margarata, at Adam Floyd Darden ng Team Greyhounds sa U13 Division, habang nagwagi sina Jaudenes Parone, Dennis de Vera, Manson Lee Carantes at Francis Almazan ng Team SLUA sa Under-16 division.

Ang iba pang nagwaging koponan sa boy’s division ay ang Team Caloocan Supremos C (Under-18) na binubuo nina Ryan Ricasio, Raphael Jerhold Flores, Mark Francois Sapla, at Jino Lacsa; at Team UL-Dagupan City A (Open Category) na binubuo nina Mario Angelito Torio, Reynald Ballesteros, Robert Caasi Jr. at Julius Tiburcio.

Sa women’s category, angat sina Regimay Castres, Rosemarie Delos Santos, Jane de Vera, at Fionna Kixsha Camangeg ng Team Balon Dagupan sa Under-18 division, gayundin sina Ruthlaine Chlaire Tacula, Raechelle Ann Sao, Ryzelle Ann Limet, at Love Joy Sto. Domingo ng Team Pudtol Apayao sa Open Category.