Ni NORA V. CALDERON

Therese
Therese
HINANGAAN ni Jasmine Curtis Smith ang kapwa Kapuso actress niyang si Therese Malvar, na kapwa niya nagwagi ng mga international acting awards. Hindi napigilan ni Jasmine na batiin si Therese matapos niya itong mapanood sa Distance na idinirek ni Perci Intalan, na isa sa entries sa katatapos na Cinemalaya Film Festival.

Sa pelikula ay gumanap si Therese bilang isang anak na malaki ang tampo sa ina dahil iniwan silang magkakapatid at kanilang ama para lamang makasama ang kanyang girlfriend na first love niya, kaysa kanilang ama. Walang pinipiling role si Therese at pumayag siyang makipaghalikan sa babae niyang kaklase, bilang pagrerebelde sa ina.

Kaya naman nagpadala si Jasmine, ng mensahe kay Therese: “I don’t know how you keep doing it but keep on rocking all your films!  I watched your Cinemalaya entry and you stood out so much to me. You always do.  I am such a fan. Congratulations!”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tiyak na mas lalong hahanga si Jasmine kapag nalaman niyang naka-tie ni Therese ang kanyang sarili sa best supporting actress award category, para sa pelikulang Distance at School Service na idinirek ni Louie Ignacio. Ito ang unang beses na nangyari ito sa kasaysayan ng Cinemelaya. Natanggap naman ni Ai Ai delas Alas ang best actress award para sa School Service.

Parehong Kapuso sina Jasmine at Therese, ang ganda siguro kung pagsasamahain sila ng GMA Network sa isa sa kanilang mga teleserye. Sa ngayon ay nagti-taping na si Jasmine ng first teleserye niya sa GMA 7, ang Pamilya Roces.

Congratulations, Therese!