NAGBUNYI ang mga fans nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez nang kumpirmahin ng huli sa kanyang post sa Instagram story na tuloy na ang movie na pagtatambalan nila ng favorite niyang ka-love team.
Three Words To Forever ang title ng movie, na ididirek ni Cathy Garcia Molina at makakasama nila si Kathryn Bernardo. Mabilisan ang shooting nito, dahil ipalalabas na sa November 2018. Alam naman ng lahat na kakandidato muling mayor ng Ormoc City si Richard, kaya hindi puwedeng pagtagalin pa ang showing ng pelikula.
Maraming natuwa na natuloy na finally ang project na ito. May mga nag-isip nga noon na baka hindi na tanggapin ni Richard ang offer to do a movie again with Sharon dahil nga sa pagiging mayor na niya ng Ormoc. Pero nabuhayan ng loo bang fans nang minsang nag-post si Richard sa IG na may sorpresa siya very soon.
Kaya napuno ng comments ang post ni Sharon mula sa mga fans nila ni Richard matapos makumpirma ang balik-tambalan sa pelikula ng dalawa.
Komento ni @elypotnimega_tmu: “OMG!!! Weeyyttt! Nakakaiyakkk! Mama ko, dadeh, ang tagaalll ko kayo inantay ulett makita na ganyan! Naiiyak ako! Waaahhh!”
@gens_marlyn: “Wow yan ang gusto ko kay Richards, wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao, nandyan pa rin ang care niya sa ‘yo.”
@megamindonliner: “November nga? Panu makapunta ng block screening Lee! Di na tayo babalik dito sa Qatar after ng Araneta concert ni Ate?”
@tess_still: “Omg!! Can you see that smile on his face, it’s priceless!! This is why I love them so much together!! God I’m so happy I’m beside myself I think I’m in love again!!
@sheilalovesmega: “Di ba puwedeng bukas September na then next week November na? So happy that there’s so much to look forward to our dearest Mega! I love you and excited for all your beautiful, wonderful projects! All the best and God’s overflowing favours and blessings be yours all days of your life @reallysharoncuneta I love you so much our Mega Queen!”
@shagoms28: “We waited for 15 years for this. Thank you @richardgomezinstagram @reallysharoncuneta”
At may maikling komento si Ogie Alcasid: “Yehey!!!”
-NORA V. CALDERON