Mga nagwagi sa Cinemalaya Film Festival
Mga nagwagi sa Cinemalaya Film Festival

Ni LITO T. MAÑAGO

ANG Comedy Queen na si Ai Ai de las Alas ang itinanghal na Best Actress sa katatapos lamang na awards ceremony ng 14th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival & Competition, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural of the Philippines, nitong Linggo ng gabi. 

Wagi si Ai Ai sa pelikulang School Service na official entry ng BG Productions International ni Madam Baby Go at tinalo niya ang early at crowd’s favorite na sina Glaiza de Castro ng Liway at Iza Calzado ng Distance. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kauna-unahang Balanghai Best Actress trophy ito ni Ai Ai kaya marami ang nanghinayang na hindi siya nakadalo sa awards night. Sabi ng director ng School Service na si Louie Ignacio, na siyang tumanggap ng award, nasa taping umano ng Sunday PinaSaya si Ai Ai kaya hindi ito nakarating. 

Nang tawagin ang pangalan ni Eddie Garcia bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa ML ni Benedict Mique, isang malakas na palakpakan ang sumalubong sa beteranong aktor habang papaakyat ng entablado. 

For the record, pangatlong Best Actor award na ito ni Eddie sa Cinemalaya. Naunang kinilala ang husay niya sa pelikulang ICU Bed # 7 nu’ng 2005 at nasundan ito nu’ng 2012 para sa Bwakaw ni direk Jun Robles Lana. 

Naka-tie naman ng Kapuso actress na si Therese Malvar ang kanyang sarili nang mapanalunan niya ang Best Supporting Actress para sa pagganap niya sa mga pelikulang Distance ni direk Perci Intalan at School Service ni Direk Louie. 

“Akala ko, ibang tao ang ka-tie ko? Sarili ko pala,” bulalas ni Therese habang nagde-deliver ng kanyang acceptance speech. 

Itinanghal namang Best Supporting Actor si Ketchup Eusebio ng Mamang na pinagbibidahan ni Celeste Legaspi. 

Narito ang listahan ng iba pang nagwagi:

  • Best Film (Full-length): Kung Paano Hinihintay Ang Dapit Hapon
  • Best Film (Short Feature): Jodilerks de la Cruz, Employee of the Month ni Carlo Francisco Manatad
  • Best Director (Full-length): Che Espiritu ng Pan de Salawal
  • Best Director (Short Feature): Xeph Suarez ng Si Astri Maka Si Tambulah
  • Special Jury Commendation: Liway
  • Special Jury Award (Full-length): Pan de Salawal
  • Special Jury Award ( Short Feature): Si Astri Maka Si Tambulah
  • Special Jury Award for Acting: Miel Espinosa (Pan de Salawal), JM Salvado (Pan de Salawal) at Kenken Nuyad (Liway at School Service)
  • NETPAC (Full-length): Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
  • NETPAC (Short Feature): Sa Saiyang Isla
  • Best Screenplay (Full-length): Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
  • Best Screenplay (Short Feature): Sa Saiyang Isla
  • Best Cinematography: Neil Daza (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon)
  • Best Editing: Mikael Pestano (ML)
  • Best Production Design: Marielle Hizon (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon)
  • Best Original Music Score: Len Calvo (Pan de Salawal)
  • Best Sound: Wild Sound (Musmos Na Sumubol Sa Gubat ng Digma)
  • Audience Choice Award (Full-length): Liway
  • Audience Choice Award (Short Feature): Kiko ni Jojo Driz
  • Nespresso Award: 2nd Runner-up: A’ko ni Jonel Revistual; 2nd Runner-up: Brave Heart ni Kevin Uriarte; at Best Film: SLN ni Brian Spencer Reyes