Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.
Sa pahayag ng Flying V, epektibo ngayong 6:00 ng umaga ang dagdag na 25 sentimos sa kada litro ng diesel, at 15 sentimos sa gasoline, habang hindi nagbago ang presyo ng kerosene.
Inaasahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa naturang price adjustment, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nitong Hulyo 31, nagtaas ang oil companies ng P1.15 sa gasolina, 95 sentimos sa diesel, at 85 sentimos sa kerosene. - Bella Gamotea