SA kabila ng malakas na ulan at pagbaha, hindi binigo ng cast ng Victor Magtanggol ang fans na maaga pa ay naroon na sa World Trade Center nitong Linggo, Agosto 12, kung saan ginanap ang 2018 History Con. Ilang artistang history makers ang tumanggap ng History Maker Award sa nasabing event.

Alden, Pancho, Janine, Lindsay at Andrea

Pinangunahan ni Victor Magtanggol, Alden Richards himself, ang cast, kasama sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, Pancho Magno at Lindsay Johnson. Naka-costume nang dumating sa event sina Alden at Pancho, si Alden as Hammerman at si Pancho as Modi. Pagkatapos ng presentation nila, nagtanggal na ng costumes sina Alden at Pancho para sa meet and greet with the fans.

“We’re very happy to be invited sa convention to promote kasama ‘yung mga cast, excited po ako,” sabi ni Alden. “Simula po ngayon, August 12, we’ll start to promote Victor Magtanggol outside, para mas makita ng mga Kapuso natin ‘yung costume saka para madala natin yung cast sa kanila. Iba pa rin kapag nag-mall show ka na naka-superhero costume.”

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sinabi naman ni Andrea, na ginagampanan ang role ni Sif, ang asawa ni Thor sa story ng Norse mythology, lagi siyang masaya sa tuwing nakakaharap niya nang personal ang kanyang fans.

“Always naman ‘pag may chance talaga na maging up-close sa mga sumusuporta sa amin, ang sarap ng feeling na ‘yun,” sabi ni Andrea. “At salamat po sa mga supporters ng Victor Magtanggol dahil buhay na buhay ang mga pages namin sa social media dahil sa support ninyo sa amin.”

Hindi naman nagkamayaw ang fans, lalo nang ianunsiyo na puwede nang mapapanood ang Victor Magtanggol sa HooQ simula sa Huwebes, Agosto 16, dahil on HD na iyon.

Nagpahayag naman ng galak at tuwa ang fans dahil dito, sabi pa nga ni netizen @lhoiecanico: “Thank you GMA, such a nice treat sa mga bata and matanda. Hindi ito para sa mga bashers na mema lang. Pogi naman ng super hero namin si Hammerman!”

Ang Victor Magtanggol ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON