Inaasahang ngayong araw sisimulan ng Kamara ang pagdinig para sa panukalang corporate tax reform package ng administrasyong Duterte, na mas kilala sa tawag na Tax Reform for Attracting Better and High- Quality Opportunities (TRABAHO).
Ayon kay Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House Committee on Ways and Means, natakda ngayong araw ang plenary debate sa substitute bill, inaprubahan ng panel nitong nakaraang linggo, na naglalayong mapababa ang corporate income tax rates at rationalise fiscal incentives.
Nang tanungin kung maaaprubahan ang panukalang-batas sa ikalawang pagbasa bago ang break sa Agosto 16, sinabi ni Cua na, “It depends on consensus of the plenary.”
Nitong nakaraang linggo, nagkasundo ang mga miyembro ng panel na baguhin ang pangalan ng ikalawang bahagi ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) bilang TRABAHO, lalo’t inaasahang lilikha ito ng trabaho, lalo na sa mga probinsiya.
-Charissa M. Luci-Atienza