Malugod ang pagtanggap ng Malacañang sa anunsiyo ng United States’ Department of Defense hinggil sa planong pagsasauli ng makasaysayang Balangiga Bells sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang sabihin ng Embahada ng Amerika sa Maynila na ipinaalam na ni US Defense Secretary Jim Mattis sa Kongreso ng US ang balak ng departamento na ibalik ang relics sa Pilipinas.

“We welcome this development as we look forward to continue working with the United States Government in paving the way for the return of the bells to the Philippines,” ani Roque.

Iniulat din na nilagdaan na ni Mattis ang dokumento, na pumapayag sa pagsasauli ng Balangiga Bells sa bansa. Gayunman, wala pa umanong tiyak na petsa kung kalian ito ibabalik.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We’ve received assurances that the Bells will be returned to the Catholic Church and treated with the respect and honor they deserve,” pahayag ng US Embassy.

Sa kanyang SONA nitong nakaraang taon, umapela si Pagulong Duterte sa Amerika na ibalik sa bansa ang kampana.

“Those bells are reminders of the gallantry and heroism of our forebears who resisted the American colonizers and sacrificed their lives in the process,” paliwanag ni Duterte.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS