Hugas-kamay ngayon ang Bureau of Customs (BoC) sa pagkakapuslit ng P6.8 bilyong halaga ng shabu sa bansa.

Ito ay nang ihayag ni BoC Commissioner Isidro Lapeña na kaya lamang nailusot sa bansa ang bilyun-bilyong halaga ng droga ay dahil sa kawalan ng sapat ng koordinasyon o “intelligence gap” sa pagitan ng kanyang ahensya (BoC) at ng Phillippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Depensa ni Lapeña, hindi umano sila inabisuhan ng PDEA kaugnay ng mga sa intelligence report na natatanggap ng una na may bultu-bultong shipment ng shabu na nakapasok sa Pilipinas.

Binigyan-diin nito, mahalaga ang impormasyon dahil kung maagang naiparating ito sa Customs ay agad na maaalerto ang lahat ng mga kargamento sa tamang panahon.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Gayunman, ibinunyag ng ilang insider ng BoC na kahit umano dumaan sa X-ray ang ilegal na droga ay hindi ito made-detect hanggat walang impormasyon mula sa pinanggalingang bansa.

Pagtatanggol ng PDEA, “hilaw” pa ang hawak nilang impormasyon at kinakailangan pa nila itong iberipika bago ipagbigay-alam sa iba pang mga ahensiya.

Sa ngayon, isang masusing imbestigasyon ang ginagawa ng ahensiya kung saan tinukoy nito ang SMYD Trading bilang consignee ng shipment.

-Mina Navarro