GANDANG-ganda ang lahat kay Kristine Hermosa bilang Malaya sa seryeng Bagani kaya natanong kung paano siya napapayag umarte ulit pagkalipas ng maraming taon at kontrabida role pa, gayung puro bida ang karakter ng magandang wifey ni Oyo Sotto noong kapanahunan niya.
Natanong din si Liza kung kumusta ang pagta-trabaho nila ni Kristine, na hindi nagkakalayo ang ganda.
“The first time I saw her was the really first time I saw her up-close, na-mesmerize talaga ako, sabi ko oh my God ang ganda niya!”
“Parang ayoko siyang tabihan kasi akala ko dati maputi ako, pero kapag katabi ko siya as in grabe ‘yung kutis niya ang ganda, ang kinis, ang ganda-ganda niya, makinis as in tapos magaling pa siyang umarte, she’s very professional kasi iisipin mo she’s not been accepting projects na ibinibigay sa kanya in years na, kaya nagulat kaming lahat when she accepted the offer and of course iniisip ko na, ‘ay baka nakakatakot siyang ka-eksena baka nanglalamon’ but no, she knows how to give way to her co-actors as well and siyempre may mga mabibigat na scenes din ako with her and she was really allowing me to take my time to really feel the emotions that I was supposed to feel for the scenes,” papuri ni Liza.
Kuwento naman ni Enrique, “she’s a sweetheart, she’s amazing! She’s good and I remembered I told her na, ‘alam mo ba ‘yung lola ko na favorite siya, super favorite sila ni Echo, Echo-Tin. Sayang nga lang na hindi na niya nakita (napanood) na nakasama ko si Tin sa teleserye. She’s really amazing, she’s a sweetheart.”
Ipinaliwanag naman ang Business unit head ng Bagani na si Ms. Des Tanwangco kung paano nila nakumbinsi si Kristine.
“We’ve been trying to convince Kristine to Star Creatives siguro mga 5 years ago pa. So surprisingly when we presented the role of Malaya, ako rin nagulat kasi tinanggap niya ‘yung kontrabida role. Five teleseryes na rin ang in-offer namin sa kanya pero hindi niya tinanggap kaya nagulat talaga ako rito na tinanggap niya itong Bagani. Saka very happy naman siya (Kristine).”
Samantala, mausubok ang paninindigan at ipinaglalaban ng mga Bagani sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak, sa hulinh linggo ng palabas.
Nanganganib na mabura ang lahat ng buhay sa Sansinukob kapag hindi napuksa ang halimaw na nananalaytay sa loob ng katawan ni Ganda.
Patuloy namang naglalakbay si Ganda kasama si Lakas para hanapin ang Puso ng Sinukuan, na nananatiling mailap kaya wala pa ring kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mundo.
Nagkakaisa naman ang buong Sansinukob laban kay Malaya, ang siyang nagtanim ng halimaw kay Ganda, ngunit nananalaytay pa rin ang takot at pangamba nila para sa kanilang kaligtasan dahil bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.
Kaya kayang isakripisyo nina Lakas, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buhay ng kapwa nila Bagani para sa ikabubuti ng Sansinukob?
Simula umpisa ay hindi binitawan ng mga manonood ang Bagani hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos at nakuha nito ang all-time high national TV rating na 36.2% noong Abril 17 base sa datos ng Kantar Media.
Trending din ito sa opisyal na hashtag ng episode sa Twitter. Ito rin ang ikalawang pinakapinag-usapang teleserye sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018, ayon sa Twitter Entertainment Index, ang listahan ng mga pinaka pinag-uusapang paksa sa naturang social networking site.
Mayroon ding online na bersyon ang Sansinukob sa Bagani World, kung saan may tsansang maging mga bayani ang mga maglalaro. Isasara na ito pagkatapos ng programa ngunit maaaring balikan ang mga kuwentong Sansinukob sa BAGANI: Beyond Sansinukob ng NoInk, ang online reading platform ng ABS-CBN.
-REGGEE BONOAN