ST. LOUIS (AP) – Bawat sandali, krusyal para kay Brooks Koepka. At sa bawat hiyawan ng crowd, alam niyang nasa likuran lamang niya si Tiger Woods at handang igupo ang kanyang katauhan.

Ngunit, sa gitna nang banta, nagpakatatag ang 28-anyos at two-time US Open champion upang maisalba ang kampanya sa dramatikong pagtatapos para makamit ang 100th PGA Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kumana si Koepka ng four-under-par 66 para sa kabuuang 16-under 264 at makamit ang ikatlong major title laban sa crowd-favorite na si Woods sa Bellerive Country Club.

“To do this is truly incredible,” pahayag ni Koepka.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Habang dumadagundong ang hiyawan sa impresibong laro ni Woods na nagdala sa kanya sa 14-time major title, nagpakatatag at hindi dinaga si Koepka para maisubi ang Wanamaker Trophy at premyong US$1.98 milyon (1.73 milyon euros).

“I heard all the roars when Tiger made his run,” sambit ni Koepka. “It was the first time Tiger has been in contention and I’ve been in contention at the same time, so the fans definitely let you know what he was doing.

Naitala ni Koepka ang lowest 72-hole score sa kasaysayan ng torneo – isang shot ang bentahe sa dating marka ni American David Toms sa 2001 Atlanta Athletic Club.

Kumubra si Woods, huling nagwagi ng major title noong 2008 US Open at bokya sa titulo sa nakalipas na limang taon, ng 64 para sa pinakamababang iskor sa final round ng major. At sa edad na 42-anyos, pinatunayan niyang dapat siyang ikonsidera na title contender.

“These fans were so positive all week.I can’t thank them enough for what they were saying out there and what it meant to me coming back trying to win a major championship again,” sambit ni Woods.

Sa panalo, napasama si Koepka, nagdepensa ng US Open crown sa Shinnecock, sa listahan (ikalima) ng mga player na nagwagi ng S Open at PGA Championship sa loob ng isang season para makasama sina Woods, Jack Nicklaus, Gene Sarazen at Ben Hogan.